Heavy rain shuts thousands of schools
By
Posted on
Dahil sa malakas na ulan, 3,661 paaralan sa 11 prefecture sa Japan ang isinara, kabilang ang elementarya, junior high, high school at mga unibersidad. Pinakamaraming pagsasara ang naitala sa Chiba na may 894, kasunod ang Tokyo na may 739, Kanagawa na may 646, Fukushima na may 454 at Tochigi na may 358.
Sa Nagoya, ilang paaralan naman ang magsasara simula ika-8 matapos dumami ang mga estudyanteng absent dahil sa ubo, sore throat, lagnat at iba pang sintomas ng sipon. May ilan ding kumpirmadong kaso ng influenza.
Nagbabala ang Aichi Prefecture at Nagoya City sa pagkalat ng trangkaso at hinihikayat ang paghuhugas ng kamay at iba pang preventive measures.
Source: Kyodo / Larawan: Illustrative
