Opposition to more foreigners surges
By
Posted on
Tumaas sa 56.3% ang mga respondent na tutol sa pagtanggap ng mas maraming dayuhang residente sa Japan ngayong 2026, mas mataas ng 20.7 percentage points kumpara noong 2024, ayon sa pag-aaral ng University of Tokyo. Bumaba naman sa 9.4% ang pabor dito.
Mas malaki ang pagtaas ng pagtutol sa mga mas batang kalahok. Napansin din ng mga mananaliksik na ang mga taong pesimistiko sa kinabukasan ng lipunang Hapon ay mas malamang na lumipat sa posisyong tutol sa pagdami ng mga dayuhang residente. Humigit-kumulang 3,800 katao ang nagbigay ng valid responses sa survey.
Source: Kyodo / Larawan: Illustrative
