Economy

Japan wholesale inflation stays high

Nanatiling mataas ang wholesale inflation sa Japan noong Agosto, pangunahing dulot ng pagtaas ng presyo ng petroleum products dahil sa sitwasyon sa Middle East. Tumaas ng 7.6% year-on-year ang Producer Price Index, ayon sa paunang datos ng Bank of Japan.

Umakyat ng 14.7% ang presyo ng petroleum at coal products, habang tumaas ng 13.9% ang chemical products at 11.2% ang plastics. Nanatili ring higit sa 7% ang index sa ikatlong sunod na buwan.

Ayon sa BOJ, tumaas din ang presyo ng electronic devices dahil sa lumalaking demand mula sa artificial intelligence sector.

Source: NHK / Larawan: Illustrative

To Top