Yamanashi unveils cost-of-living aid
By
Posted on
Magbibigay ang Yamanashi Prefecture ng financial aid sa mga pamilyang may mga anak at sa mga nahihirapan sa pananalapi dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo.
Makakatanggap ng ¥10,000 bawat bata ang mga pamilyang tumatanggap ng child allowance, habang ¥10,000 bawat pamilya naman ang ilalaan sa mga sambahayang nahihirapan sa gastusin. Bahagi ito ng humigit-kumulang ¥13.5 bilyong supplemental budget na ihaharap sa prefectural assembly.
Kasama rin sa plano ang paglalagay ng air-conditioning equipment sa evacuation centers na maaaring gamitin kahit may blackout.
Source: NTV News NNN / Larawan: Illustrative
