Nagoya adds aid for flood-hit families
By
Posted on
Magbibigay ang Aichi Prefecture ng emergency financial aid sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pag-ulan noong September 8. Makakatanggap ng ¥100,000 ang mga pamilyang nasira o inanod nang tuluyan ang bahay, ¥50,000 para sa bahagyang nasira, at ¥20,000 para sa mga bahay na binaha lampas sa floor level.
Hanggang September 11, 187 pamilya ang nakumpirmang nakaranas ng ganitong pagbaha. Tinatayang ¥3.74 milyon ang unang kabuuang halaga ng tulong.
Magbibigay din ang Nagoya City ng sariling emergency aid simula September 18. Hinihikayat ang mga residenteng may hindi pa naitalang pinsala na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.
Source: Nagoya TV / Larawan: Illustrative
