News

Japan Hits Historic Longevity Record

Sa unang pagkakataon, lumampas sa 100,000 ang bilang ng mga taong edad 100 pataas sa Japan. Noong Setyembre 1, umabot sa 107,677 ang mga centenarian, mas mataas ng 7,914 kumpara sa nakaraang taon, ayon sa Ministry of Health, Labour and Welfare.

Kabuuang 94,298, o humigit-kumulang 87.6%, ay kababaihan, habang 13,379 naman ang kalalakihan. Ang pinakamatandang babae ay si Fuyo Kishimoto ng Kyoto, 114, habang si Hikaru Kato ng Kumamoto, 112, ang pinakamatandang lalaki.

Noong 1963, 153 lamang ang centenarian sa Japan, na nagpapakita ng malaking pagtaas sa longevity ng populasyon.

SOURCE: FNN PRIME ONLINE / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top