Filipinos Hired as Bus Drivers in Japan
By
Posted on
Sa unang pagkakataon sa 100-taong kasaysayan nito, kumuha ang Miyazaki Kotsu ng tatlong kabataang Filipino upang maging bus drivers sa Japan.
Dumating sila mula sa Pilipinas bilang Specified Skilled Workers at sasailalim sa halos isang taon ng training, kabilang ang Japanese traffic rules, road signs at bus operation. Inaasahang magsisimula silang maghatid ng mga pasahero sa Setyembre 2027.
Ginawa ng kumpanya ang hakbang dahil sa kakulangan at pagtanda ng mga driver. Bumaba ang bilang ng bus drivers mula 472 noong fiscal 2015 sa 316 noong nakaraang taon, habang umabot na sa 55.8 taon ang kanilang average age.
SOURCE: MIYAZAKI NEWS UMK / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
