News

Land cruiser tops Japan theft list

Sa Japan, ang Toyota Land Cruiser ang pangunahing target ng mga magnanakaw ng sasakyan. Noong 2025, umabot sa 825 ang insurance claims kaugnay ng pagnanakaw nito—30% ng kabuuan at higit doble sa 383 kaso noong 2023. Sa hiwalay na datos ng pulisya, 1,177 unit ang naitalang ninakaw noong 2025.

Pinupuntirya ang SUV dahil sa mataas na resale value, pandaigdigang demand at madaling pagbebenta ng sasakyan at mga piyesa. Karamihan sa mga krimen ay nagaganap sa gabi, habang 77.8% ng mga sasakyan ay ninakaw kahit wala sa loob ang susi.

Babala ng mga awtoridad: hindi sapat ang iisang lock. Dapat pagsabayin ang steering at wheel locks, alarm, GPS, CCTV, ilaw at lalagyang humaharang sa signal ng smart key. Kabilang din sa madalas targetin ang Prius, Alphard at Lexus.

SOURCE: BestCar Web / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top