Typhoon forces 17 schools to close in Chiba
By
Posted on
Nagdulot ang Typhoon No. 25 ng landslides, power outages at transport disruptions sa Chiba Prefecture. Hindi bababa sa 17 pampublikong elementary at junior high schools ang nagsara dahil sa pinsala at problema sa mga daan patungo sa paaralan.
Sa Ichihara, gumuho ang isang slope sa likod ng isang paaralan at tinamaan ang entrance at bicycle parking area. Mananatiling sarado ang paaralan sa ika-25 habang isinasagawa ang safety inspections.
Suspendido pa rin ang serbisyo sa ilang bahagi ng JR lines. Bandang 10 a.m. noong ika-24, humigit-kumulang 17,000 kabahayan ang wala pa ring kuryente sa Chiba.
SOURCE: FNN PRIME ONLINE / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
