News

Nagoya chase leaves students injured

Dalawang 15-anyos na high school students ang bahagyang nasugatan matapos mabangga ng tumatakas na kotse ang kanilang mga bisikleta sa isang intersection sa Nagoya noong ika-23.

Ayon sa Aichi Prefectural Police, nagsimula ang insidente matapos makatanggap ng ulat tungkol sa ilegal na paradahan. Nang dumating ang police car, biglang umandar ang sasakyan at hinabol ito ng mga pulis. Makalipas ang ilang minuto, nabangga nito ang dalawang estudyante bago tumakas.

Sinabi ng pulisya na isinagawa nang naaayon sa mga patakaran ang paghabol. Patuloy ang paghahanap sa tumakas na sasakyan at drayber.

SOURCE:ASAHI TV NEWS / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top