Pet shop owner arrested over crocodile
By
Posted on
Inaresto ng pulisya sa Osaka noong Lunes (28) si Soma Satomi, 34, dahil sa hinalang nag-alaga siya ng mga hayop nang walang kinakailangang pahintulot. May-ari siya ng pet shop kung saan nakita ang isang 1.5 metrong saltwater crocodile sa tangke sa likod ng tindahan.
Natagpuan din ang isang alligator snapping turtle at 21 common snapping turtles. Ayon sa pulisya, inamin ni Satomi ang paglabag at sinabing inaalagaan niya ang mga ito bilang pets, hindi para ibenta. Iniimbestigahan pa kung paano niya nakuha ang mga hayop. Ang nasabing uri ng buwaya ay maaaring lumaki nang 4 hanggang 5 metro.
SOURCE: KYODO / LARAWAN: Osaka prefectural police
