News

Night attack shocks Soka

Dalawang lalaki ang pinaghahanap matapos ang magkasunod na pag-atake sa isang residential area sa Soka, Saitama, madaling-araw nitong Huwebes, ika-1.

Bandang 1 a.m., sinalakay nila mula sa likod ang isang lalaking nasa edad 30. Nang lumingon ito, inispreyan siya sa mukha, sinuntok sa tiyan at inagawan ng bag na may humigit-kumulang ¥30,000. Nagtamo siya ng bahagyang pinsala.

Mga 90 minuto bago nito, tinawag ng dalawang suspek ang isang lalaking nasa edad 50 at inispreyan nang lumingon. Tinangka nilang agawin ang bag, ngunit nanlaban ang biktima kaya tumakas silang walang nakuha.

Naniniwala ang pulisya na iisang pares ang sangkot. Tinatayang 170 cm at 175 cm ang kanilang taas at pareho silang nakasuot ng maiitim na damit.

SOURCE: FNN / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top