News

Major changes hit Japan

Magkakabisa sa Japan ngayong Oktubre ang mga pagbabagong makaaapekto sa mga manggagawa at badyet ng pamilya. Oobligahin ang mga kumpanya at lokal na pamahalaan na protektahan ang mga empleyado laban sa customer harassment, kabilang ang pananakot, labis na kahilingan at pang-aabuso online.

Aalisin ang ¥1.06 milyong wage threshold sa social insurance para sa mga part-time worker. Maaari ring mag-apply ang self-employed at freelancers na may anak na wala pang isang taon para sa exemption sa National Pension premiums nang hindi nababawasan ang benepisyo sa hinaharap.

Magkakapantay ang buwis sa beer, happoshu at third-category beer, habang tataas ang buwis sa chu-hi at sour. Aabot sa 3,000 pagkain at inumin ang inaasahang magmahal. Sa pagtatapos ng energy subsidies, posibleng umabot sa rekord na ¥9,307 ang karaniwang buwanang singil sa kuryente ng TEPCO.

SOURCE: Mainichi / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top