Japan enters deadly bear season
Pumasok na ang Japan sa tinatawag na “danger season,” ang panahon ng taglagas kung kailan mas aktibong naghahanap ng pagkain ang mga oso bago mag-hibernate. Ikinababahala ng mga awtoridad ang paglapit ng mga ito sa mga lungsod dahil sa pagdami ng sightings sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Naitala ang mga insidente sa Gunma, Iwate, Miyagi, Tochigi, Hyogo at Yamagata. Umabot sa 17,362 ang sightings hanggang Hulyo, halos 40% na mas mataas kaysa sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Noong nakaraang fiscal year, 13 katao ang namatay sa bear attacks, pito sa kanila noong Oktubre.
Naglilinis ang mga lokal na pamahalaan ng makapal na halaman at naglalagay ng AI cameras. Nagbabala ang mga eksperto na maaari pa ring lumapit sa mga komunidad ang mga osong nasanay sa mga lugar na tinitirhan ng tao.
SOURCE: MAINICHI / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
