Japan taps nikkei power in Latin America
Simula sa Abril, plano ng Foreign Ministry ng Japan na makipagtulungan sa mga negosyanteng may lahing Hapon sa Latin America upang mapabilis ang pagpasok ng mga kumpanyang Hapones sa rehiyon.
Mayaman ang Latin America sa rare earths, langis, iron ore, pilak, tanso at natural gas. Habang humihigpit ang China sa pag-export ng mahahalagang mineral, nais ng Japan na palawakin ang mga mapagkukunan nito at gawing bagong hangganan ang rehiyon para sa ekonomiya at seguridad.
Sa tulong ng JICA at growth strategy ODA, bibigyang-priyoridad ang maliliit at katamtamang negosyo. Aanyayahan sa Japan ang mga negosyanteng Nikkei upang magpayo, habang ipapadala sa Latin America ang executive na Hapones. Layunin din ng programa na patibayin ang ugnayan sa mga bagong henerasyon ng Nikkei, lalo na sa Brazil, na may pinakamalaking komunidad ng lahing Hapon sa mundo.
SOURCE / LARAWAN: :YOMIURI SHIMBUN
