Filipino resident unaccounted for after fire
Isang apartment sa tatlong-palapag na gusaling Shimo-Eru sa Yaizu, Shizuoka, ang nasunog madaling-araw ng Sabado (11). May bangkay na natagpuan sa mga guho. Hindi pa natatagpuan ang 58-anyos na Pilipinong nakatira roon. Inaalam ng pulisya kung siya ang nasawi.
Bandang 1:55 ng umaga, tumawag sa bumbero ang isang kapitbahay na nagpakilalang Brazilian matapos makakita ng usok mula sa exhaust fan. Ayon sa kanya, kumatok siya sa pinto ng kaibigan ngunit hindi makapasok dahil nakakandado ito.
Tinupok ng apoy ang isang yunit sa ikalawang palapag at naapula ito makalipas ang halos isang oras. Hindi kumalat ang apoy sa ibang apartment at walang ibang nasugatan. Iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng sunog at kinukumpirma ang pagkakakilanlan ng biktima.
SOURCE: SBS / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
