News

Foreign residents surge across Japan

Tumaas nang 2.5 beses ang bilang ng mga munisipalidad sa Japan kung saan lampas 5% ng populasyon ang mga dayuhang residente: mula 53 noong 2020 ay naging 132, ayon sa datos ng census noong 2025 na inilabas ng Ministry of Internal Affairs.

Makikita ang pagdami hindi lamang sa malalaking lungsod at sentrong industriyal, kundi pati sa mga kanayunang umaasa sa turismo at agrikultura. Umabot sa rekord na 3.84 milyon ang mga dayuhang residente sa Japan, katumbas ng 3.1% ng kabuuang populasyon. Halos 40% itong mas mataas kaysa 2.74 milyon noong 2020.

Mula 17 ay naging 27 ang mga prefecture na may mga munisipalidad na lampas sa 5% na antas. Kabilang sa mga bagong sumali ang Miyagi at Hyogo. Lumawak din ang presensiya ng mga dayuhan sa mga lugar-pasyalan at rehiyong nakasentro sa agrikultura, paggugubat, at pangingisda.

SOURCE: JIJI PRESS / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top