News

Philippines moves to limit minors’ social media use

Inaprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas ang panukalang batas na maglilimita sa paggamit ng mga batang wala pang 13 taong gulang sa mga social media platform.

Noong Lunes, malakas ang boto ng mga kinatawan pabor sa panukala. Noong nakaraang linggo, inaprubahan din ng Senado ang kahalintulad na panukala, ngunit para sa mga menor de edad na wala pang 18 taong gulang.

Kasunod ito ng tatlong nakamamatay na pamamaril sa mga paaralan na kinasangkutan ng mga menor de edad mula pa noong Hunyo. Noong Agosto, isang estudyante ang nag-live stream habang binabaril at pinapatay ang isang kaklase.

Pagkakasunduin ng dalawang kapulungan ang kani-kanilang panukala bago isumite ang pinal na bersyon para sa pag-apruba ng pangulo.

SOURCE: NHK / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top