Japan braces for storms and violent winds
Nagbabala ang ahensiya ng panahon ng Japan tungkol sa kidlat, malalakas na bugso ng hangin at biglaang malakas na ulan sa silangan at kanlurang bahagi ng bansa hanggang Martes, dahil sa isang weather front.
Ayon sa Japan Meteorological Agency nitong Linggo, inaasahang kikilos ang low-pressure system na may kasamang front mula sa Sea of Japan patungo sa Sea of Okhotsk. Mananatili naman ang front malapit sa silangan at kanlurang Japan.
Pinayuhan ang publiko na pumasok sa loob ng gusali o gumawa ng iba pang hakbang pangkaligtasan kapag nakakita ng palatandaan ng paparating na malalaking cumulonimbus cloud.
Mas madalas na ang matitinding pag-ulan sa Japan. Noong Agosto, nakaranas ng nakamamatay na buhos ng ulan ang Chiba Prefecture, malapit sa Tokyo.
SOURCE: KYODO / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
