News

13 Injured in crash involving sightseeing bus

Isang babae ang nasawi at 13 iba pa ang nasugatan matapos magbanggaan ang limang sasakyan sa isang sangandaan sa Fujisawa, Kanagawa Prefecture, timog ng Tokyo, noong Lunes, ayon sa mga lokal na awtoridad.

Dinala sa ospital ang 14 na tao. Kabilang sa mga ito ang 77-anyos na babae na nasawi. Hindi naman malubha ang mga pinsala ng iba pang 13.

Ayon sa pulisya, lumihis sa kabilang lane ang kotse na minamaneho ng 77-anyos na asawa ng biktima at bumangga sa dalawang sasakyan, kabilang ang isang taxi. Pumasok ito sa sangandaan kahit pula ang ilaw at bumangga sa isang sightseeing bus. Naitulak ang bus pasulong at tumama sa isang van. Tinamaan din ng mga debris ang isang min sasakyan.

Nakatakdang tanungin ng pulisya ang asawa ng biktima dahil sa posibleng kasong kapabayaan sa pagmamaneho na nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng mga tao.

SOURCE: JIJI PRESS  / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top