Brutal attack leaves worker with broken bones
By
Posted on
Inaresto ang isang 28-anyos na opisyal ng kompanya dahil sa hinalang pagnanakaw na may pananakit at ilegal na pagkulong sa 22-anyos niyang katrabaho sa Sakura, Chiba.
Ayon sa imbestigasyon, pinaghihinalaang binugbog niya at ng isang 38-anyos na Pilipino ang biktima gamit ang martilyo at bareta, pinainom ng gasolina at bleach, at pinaso gamit ang sulo. Tinangay din umano ang ¥25,000 at cellphone nito.
Nangyari ang insidente noong Setyembre sa imbakan ng kompanya. Ikinulong din umano ng opisyal ang biktima sa isang container. Nagtamo ang binata ng mga paso at bali sa buto. Tumawag sa pulisya ang kanyang ina nang umuwi siyang sugatan. Patuloy ang imbestigasyon sa motibo.
SOURCE: FNN PRIME ONLINE / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
