Japan sees record number of foreign babies
Umabot sa rekord ang bilang ng mga sanggol na ipinanganak sa Japan na mga dayuhan ang magulang noong 2025, sa ikatlong sunod na taon. Naitala ang 23,015 kapanganakan, habang bumaba sa 671,270 ang mga sanggol na ipinanganak sa mga Japanese, ang pinakamababang bilang na naitala.
Pinakamarami ang naitala sa Tokyo, na may 4,124 sanggol, kasunod ang Aichi na may 2,471 at Saitama na may 2,153. Sa 31 munisipalidad, mahigit 10% ng mga kapanganakan ay mga sanggol na dayuhan ang magulang—tatlong beses ng bilang noong 2019. Sa ilang lungsod, lampas 20% ang bahagi nila.
Ayon sa mga eksperto, isa sa mga dahilan ang pagdami ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Japan na may status of residence na nagpapahintulot na isama ang kanilang pamilya. Sinabi ni Propesor Atsushi Kondo ng Meijo University na maaaring maging mahalagang bahagi ng mga lokal na komunidad ang mga batang dayuhan habang bumababa ang populasyon ng Japan. Kailangan aniya ng kapaligirang susuporta sa paglaki at pag-unlad ng mga batang Japanese at dayuhan.
Source: NHK / Larawan: Illustrative Photo
