News

Teens arrested after eggs thrown at police posts

Dalawang binatilyo ang inaresto sa Aichi, Japan, dahil sa hinalang pagbato ng mga itlog sa isang himpilan ng pulisya at isang police box.

Ayon sa pulisya, noong ika-9 ng nakaraang buwan, tatlong itlog ang ibinato sa police box sa Inba, Owariasahi. Mga limang minuto bago nito, dalawa pang itlog ang ibinato umano sa paradahan ng Moriyama Police Station sa Nagoya.

Ang mga suspek ay isang 16-anyos na empleyado at isang 17-anyos na part-time worker. Iniimbestigahan sila dahil sa hinalang paghadlang sa operasyon ng mga pampublikong serbisyo. Hindi isiniwalat ng pulisya kung inamin o itinanggi nila ang paratang. Inaalam din ang motibo.

Source: NAGOYA TV  / Larawan: Illustrative Photo
To Top