News

Fake repairs may have cost victims ¥100 million

Sa Shizuoka, Japan, inaresto ang apat na lalaki dahil sa hinalang nagtangkang kumita mula sa mga ilegal na kontrata sa pagkukumpuni. Ayon sa pulisya, tinatakot nila ang mga residente, lalo na ang matatanda, sa pagsasabing maaaring masira ang mga pampainit ng tubig.

Sinasabing inalok ng isa sa mga suspek ng hindi kailangang trabaho ang isang babaeng nasa edad 70. Hinalang sangkot naman ang tatlo pa sa dalawang kahalintulad na insidente. Hindi ibinahagi ng pulisya kung inamin ng mga lalaki ang mga paratang.

Mahigit 400 kontrata ang nasamsam. Tinataya ng mga awtoridad na maaaring umabot sa ¥100 milyon ang kabuuang pinsala.

Source: Daiichi Tv / Larawan: Illustrative Photo
To Top