News

Driver’s nap delays Nagoya bus by 41 minutes

Isang 23-anyos na drayber ng bus sa Nagoya ang nakatulog habang naghihintay sa loob ng sasakyan bago magsimula ang biyahe. Nagising siya makalipas ang alas-8:30 ng umaga, mga 30 minuto matapos ang nakatakdang oras ng pag-alis.

Dahil dito, 41 minuto ang pagkaantala ng bus na dapat umalis nang alas-8 mula Omori papuntang Ikeshita. Naantala rin nang 30 minuto ang pabalik na biyahe.

Ito na ang ikaapat na pagkaantala ngayong fiscal year sa mga bus ng lungsod na dulot ng drayber na nakatulog. Empleyado siya ng Meitetsu Bus, ang kumpanyang kinontrata ng lungsod, at may halos anim na buwan pa lamang na karanasan sa pagmamaneho.

Source: CBC / Larawan: Illustrative Photo
To Top