News

“Saku” tops Japan’s 2026 boys’ name list

Inilabas ng Benesse Corporation ang ranggo ng mga pangalan ng sanggol para sa 2026, batay sa humigit-kumulang 165,000 batang ipinanganak sa Japan mula Enero 1 hanggang Setyembre 14. Nanguna sa mga pangalan ng lalaki ang “Saku.”

Pumangalawa ang “Midori,” habang pangatlo ang “Asahi.” Mula 2020, palaging kabilang sa top 10 ang “Asahi,” at umakyat ito mula ikaapat na puwesto noong nakaraang taon.

Ayon sa publikasyon, mabilis na sumikat ang “Saku” at ginagamit din itong pangalan ng mga tauhan sa mga drama, anime, at nobela. Umangat din sa ranggo ang Yuzuki, Tomoru, Kohaku, at Zen. Patok din ang mga pangalang nagpapaalala sa langit, liwanag, hangin, at kalikasan.

Source: Otona x Answer / Larawan: Illustrative Photo
To Top