News

Suspect arrested in Toyota home invasion

Isang 36-anyos na empleyado ang inaresto dahil sa hinalang pumasok siya sa isang apartment sa Toyota, Aichi, at ginupit ng gunting ang damit ng isang 41-anyos na babae habang natutulog ito. Ayon sa pulisya, nalantad ang bahagi ng katawan ng babae.

Nalaman ang insidente matapos tumawag sa pulisya ang babae. Hindi magkakilala ang dalawa. Natukoy ng mga imbestigador ang suspek sa tulong ng mga kuha mula sa security cameras. Ayon sa pulisya, inamin niya ang paratang.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang humigit-kumulang 20 insidente ng ilegal na pagpasok sa bahay at kahalayan laban sa kababaihan sa lugar sa nakalipas na apat na taon. Sinusuri kung may kaugnayan ang suspek sa iba pang kaso.

Source: CBC Tv / Larawan: Illustrative Photo
To Top