Economy

Government considers aid of up to ¥270,000

Tinitingnan ng gobyerno ng Japan ang taunang ayuda na hanggang ¥270,000 para sa mga kwalipikadong pamilyang may dalawang anak kapag ganap nang ipinatupad ang programa sa 2029.

Plano ring pansamantalang ibaba ang buwis sa pagkain mula 8% tungo sa 1% sa loob ng dalawang taon. Sa 2027 at 2028, paunang ipatutupad ang ayuda at inaasahang sasaklaw sa hindi bababa sa kalahati ng mga manggagawa.

Maaaring umabot sa ¥25,000 bawat taon ang ayuda kada tao, dagdag ang ¥5,000 para sa bawat anak. Hindi pa pinal ang mga pamantayan at halaga. Nag-aalala ang oposisyon na tataas ang pasanin ng mga hindi makatatanggap kapag ibinalik sa 8% ang buwis sa pagkain.

Source: Asahi Shimbun / Larawan: Illustrative Photo
To Top