Sa TOKYO, Japan – May isang babae galing sa mahirap na pamilya sa Tarlac na hindi nakapag-aral dahil sa hirap ng kanilang buhay. Ngayon, siya ang nag-mamanage ng 135-branch karaoke at Internet cafe chain business sa Japan sapagkat siya ay nakapag-asawa ng mayamang Hapon. Isang tunay na Filipina Cinderella in Japan.
Ang istorya ni Abby Watabe ay maikukumpara sa classic rags-to-riches story dahil ang kanyang ina ay isa lamang labandera at ang kanyang ama ay isang karpentero. Siya ang bunso sa 7 magkakapatid pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para makapag aral. Pero hindi natapos mangarap si Abby na magkaroon ng magandang buhay hanggang sa makapagtrabaho siya sa Japan bilang entertainer para kumita ng pera.
Taong 2005, nakilala niya ang isang Hapon sa elevator. Ang sabi nito sa kanya ay nagmamay-ari siya ng mga building at mga negosyo. Pero nagduda siya at ayaw niyang maniwala. Ang akala ni Abby ay nagyayabang lamang ito. Hindi niya alam na mayaman talaga ang Hapon hanggang sa sila ay ikinasal na. Pagkatapos ng kasal ay pinahinto ng asawa nito sa pagtratrabaho si Abby sa club. Ang sabi sa kanya ay mag-aaral siya at ang asawa niya ang bahala sa lahat. Di nagtagal at maraming bagay siyang natutunan mula sa kanyang asawa, pati na rin ang pag-mamanage ng kanilang negosyo at ang pagtulong sa ibang tao.
Sa ngayon ay maligaya na siya dahil sa pagbabago ng kanyang buhay kasama ang kanyang asawa. Ngayon ay nais din niyang makatulong sa iba dahil sa tinatamasa niyang pagpapala. Ang kaniyang asawa ay malaki ang respeto para sa mga Pinoy. Dahil dito, lalo pang pinagbubuti ni Abby ang kaniyang trabaho at doble pa siyang sinisipag sa pagtulong sa kapwa Pilipino.
Sa kabila ng pagiging mayaman ay hindi pa rin siya tumigil na maabot ang kanyang mga pangarap. Lalo pa niyang pinag-aralan kung paano niya mapapayaman ang kaniyang karungan sa kanilang negosyo.
Source post Kickerdaily
Image credit: GMA Network