Events

ADB and Japan Partnership: $16-Billion Infrastructure Development Project

ADB and Japan Partnership

ADB and Japan Partnership

The Asian Development Bank at ang pamahalaan ng Japan ay naglabas ng isang mahalagang pahayag na sila ay handing mabago ang buhay ng bawat Pilipino ukol sa isang mabilis at maginhawang paglalakbay sa mga susunod na limang taon. Ito ay matapos lagdaan ng  Pilipinas at Japan ang isang kasunduan para sa $16-Billion Infrastructure Development Project. Kasama rito ang isang malakihang investment fund upang malugod na suportahan ang mga private infrastructure at road development projects.

Ang nasabing proyekto ay mabibigyan din ng pagkakataon upang palawigin ang isang public infrastructure  development. Matapos ang limang taon mula 2015, ang bilyong halaga ng project na ito ay ukol sa pagkakaroon ng mga maaasahan at dekalidad na mga road developments na naaayon sa mga panuntunan ng Sustainable Development Goals na pinagkasunduan ng United Nations at ng mga karatig na bansa.

Ayon sa pahayag ng ADB President na si Takehiko  Nakao, “Support for quality and sustainable infrastructure has been a central feature of our operations since ADB’s foundation in 1966 to achieve poverty reduction and sustainable development in Asia and the Pacific.” Gayun din, binigyang halaga ni Nakao na, “Through its assistance for urban transport, renewable energy, and other infrastructure, the partnership will also contribute to the expansion of climate financing to developing countries, in line with the expected outcome of the COP21 meeting in December.”

Layunin din ng infrastructure development na nabanggit na bigyang diin muna ang pagkakaroon ng isang trust fund sa pamamagitan ng isang bilateral partnership kasama ang Japan noong Marso 2016. Upang maiwasan ang mga di inaasahang mga suliranin, ang pondo ay pamamahalaan at pangangasiwaan  ng ADB’s Private Sector Operations Department. Samantala, ang mahalagang aspeto ng equity ay nagkakalaga ng $1.5 bilyon na manggagaling naman sa Japan International Cooperation Agency or JICA.

Ang Asian Development Bank ay mayroon rin namang iba pang capital para sa nasabing proyekto sa pakikipag-tulungan ng commercial co-financing partners na magdaragdag ng $6 bilyon para sa isang large scale private infrastructure operations sa pamamagitan ng leveraging. Ito ang malawakang development assistance resources plan ng JICA.

Image and news source: www.adb.org

To Top