ADVISORY ON THE START OF PASSPORT RENEWAL SERVICES (NAGOYA)
By
Posted on
ADVISORY ON THE START OF PASSPORT RENEWAL SERVICES
Magsisimula po ang passport renewal services ng Konsulado ng Pilipinas sa Nagoya sa Lunes, 08 June 2020.
Dahilan sa limitadong kondisyon ng staff at opisina ng Konsulado, at upang patuloy na maprotektahan ang ating kaligtasan at kalusugan laban sa COVID19, ipapatupad po natin ang sumusunod, until further notice:
APPOINTMENT ONLY system para sa passport renewal (2pm to 4pm, Monday to Friday). Hindi po muna tatanggapin ang mga WALK-IN at walang appointment;
Strict implementation ng mga health protocolstulad ng social distancing, pagsuot ng mask, coughing etiquette at temperature check. Hindi po papapasukin ang mga may temperature na 37.5 degrees pataas;
Para hindi maging crowded ang Konsulado:
o pumunta po tayo sa oras lamang ng ating scheduled appointment
o iwasang mag-sama ng ibang tao na hindi naman aplikante
o Kung kayo po ay senior citizen, menor de edad, PWD o kailangan ng special assistance, maaring isang companion lang po ang isama sa loob ng Konsulado
o lumabas agad ng Konsulado kung tapos na ang inyong application
Magdala po tayo ng self-addressed envelope na 120 x 235 mm-sized (tinatawag sa Japan na Nagagata-3 or 長型3号 na envelope) na may 960 yen na stamps (Registered Express Mail) bawat passport applicant, pagpunta sa Konsulado dahil by postal mail lang po and release ng bagong passport. Hindi po muna pwedeng i-claim in person ang passport ninyo.
APPOINTMENT SYSTEM
Para makakuha ng appointment sa Passport Application (Renewal ONLY), magpadala po by Letterpack (JPY 520) ang original application form for passport renewal completed and signed by the applicant, at isang kopya ng data page ng passport ng applicant.
Ang application form ay madownload po ninyo sa websites ng nagoyapcg.dfa.gov.ph gaya din sa tokyo.philembassy.net at sa osakapcg.dfa.gov.ph
Umaasa po ang Konsulado sa inyong patuloy na pag-unawa at kooperasyon.
PASSPORT RENEWAL
Kailangang dumaan sa pre-processing ang lahat ng mag a-apply ng passport.
Ipadala by mail sa Konsulado ang pirmadong passport application form kasama ang kopya ng lahat ng mga requirements.
Ang address ng Konsulado ay:
Consulate-General of the Philippines in Nagoya
REGUS Office Center (temporary administrative office)
Hanaguruma Building, North 2F, Room 20
5 – 4 -14 Meieki, Nakamura ku, Nagoya shi
450-0002 Aichi ken
Tel. 052 588 2604 / Fax 052 588 2718
Huwag po magpadala ng perang pambayad at huwag po ipadala ang lumang passport. Ito po ay iaabot sa Passport DCM Encoder sa araw ng inyong scheduled appointment.
WALA PONG WALK-IN PASSPORT APPLICANTS NA MAPO-PROSESO.
MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON NA DAPAT TANDAAN:
Passport Renewal lang ang puwedeng i-apply. Hindi puwede mag apply ng replacement of lost passport, replacement ng passport ng nag assumed identity, at travel document. Ito po ay dapat i-apply sa Embassy sa Tokyo o sa Konsulado sa Osaka.
Maglalabas ang Konsulado, sa official website (www.nagoyapcg.dfa.gov.ph) at sa Official Facebook Page, ng listahan ng pangalan ng mga aplikanteng naka pag-submit ng wasto at kumpletong ePassport application isang linggo bago ang scheduled appointment. Nakalagay din sa nasabing listahan ang oras ng scheduled appointment ng bawat aplikante at ang lugar kung saan magaganap.
Ang application forms ay walang bayad. Maaari po itong ma-download dito sa website ng Konsulado sa Nagoya gaya din sa Embassy sa Tokyo at sa Konsulado sa Osaka.
Ang bayad para sa serbisyong konsular ay tatanggapin lamang sa araw ng scheduled appointment ng collecting officer/cashier ng Konsulado. Magdala po ng EXACT AMOUNT in cash ng pambayad sa serbisyo na ina-apply (JPY 7,800 sa passport renewal). Ang inyong bayad ay may kaukulang Official Receipt mula sa Konsulado. Wala pong itinalaga ang Konsulado na mga representatives upang magtanggap ng anumang bayad mula sa mga aplikante.
DALHIN ANG LAHAT NG ORIGINAL NA DOKUMENTO (halimbawa: passport at iba pa) sa araw ng scheduled appointment.
Huwag kalimutang DALHIN ANG INYONG PASSPORT.
Ihanda at dalhin ang self-addressed envelope na 120 x 235 mm-sized (tinatawag sa Japan na Nagagata-3 or 長型 3号 na envelope) na may 960 yen na stamps (Registered Express Mail) sa nakatakdang araw ng scheduled appointment. Ito ang gagamitin ng Konsulado para ipadala sa inyo ang inyong bagong passport.
IMPORTANTE: Mga application na kumpleto ang requirements lamang ang mapo-proseso at mabibigyan ng scheduled appointment.
Kung may mga katanungan, tumawag po sa 052 588 2604 (during regular office hours), magpadala ng email sa [email protected], o mag-fax sa 052 588 2718.
CTTO: www.nagoyapcg.dfa.gov.ph