General

Aeon magbabahagi ng mga commercial facilities para sa mass vaccination

Napag-alaman na ang major distributor na “AEON” ay nagpaparenta ng mga commercial na pasilidad tulad halimbawa ng AEON MALL sa local na gobyerno bilang vaccination site para sa new coronavirus. Ayon sa Aeon, napagdesisyunan na iparenta ang “AEON MALL Zama” sa Zama City, Kanagawa Prefecture bilang lugar upang isagawa ang pagbabakuna sa mga lokal. Mayroong disaster prevention agreements and Aeon sa may 600 na local government units nationwide upang makapagbigay ng evacuation shelters sa pangyayari ng sakuna. Nakatanggap rin sila ng mga konsultasyon mula sa iba;t ibang lokal na gobyerno patungkol sa vaccination venues at pinagiisipan ding gamitin ang mga parking lots at power supply facilities upang mas maging maayus ang lahat. Maski ang Bank of Tokyo-Mitsubishi UFJ ay nakapagdesisyun na ring magparenta ng mga training centers at recreational facilities sa Tokyo, Nagoya at Osaka sa lokal na gobyernoat pribadong mga kumpanya upang matustusan ang pangangailangan pagdating sa usapin ng mga lugar na pagdadausan ng mass vaccination.

Source: ANN NEWS

To Top