Aeronautical Science Museum sa Shibayama, Chiba nangangambang tuluyan ng magsara
Pansamantalang isinara ang Aeronautical Science Museum sa Shibayama, Chiba prefecture dahil sa mabilis na pagkalat ng covid sa bansa ngunit nangangambang tuluyan na nga itong magsara pagkatapos ng 31 years. Ito ang pinakaunang exhibition facility ng aviation sa buong bansang Japan. Humingi ng tulong sa social media ang museum dahil sobrang naapektuhan ito ng dahil sa ginawang pagsasara nang dahil sa virus, nasa tinatayang 225,000 ang bumibisita dito taon-taon. Nang dahil sa pagsasara, nawalan ng income ang lahat mula admission fees, sa souvenir shops at restaurants na syang isa sa malaking dahilan kung bakit nanganganib itong mabankrupt ng tuluyan. sinimulan ng museum na lumikom ng funds para sa pagpapatuloy sa publiko. Ang Aviation Science Museum ay matatagpuan malapit sa Narita Airport.
Saad ni Yasuo Yagi, director of the Museum of Aeronautical Science: Nagulat ako sa suporta ng publiko sa napakaikling panahon, ilang araw ang nakakalipas matapos maipost sa socmed ang anunsyo para sa crowd funding ay nakalikom na agad ng humigit-kumulang 9million yen.
Dagdag pa ni Mao Yanagimoto, Aviation Science Museum: simula noong May 13 hindi ko na kayang suportahan pa kung magtatagal ang pagsasara kung di kami magbubukas at tatanggap ng mga bisita kung kaya’t naisipan namin ang pagpopost sa social media baka sakali.
Source: ANN News