Sa pagpapatuloy ng artikulong Agricultural Partnerships of Japan and the Philippines, ang Japan International Cooperation Agency or JICA ay tinapos ang isang kapakipakinabang na adhikain para sa karatig bansang Pilipinas noong nakalipas na taon. Ito ay tinawag na three-year agricultural cooperation project para sa sa mga masisipag na magsasaka sa probinsiya ng Benguet. Ayon sa ulat, ito ay lubos na makakatulong upang manumbalik ang dating sigla ng sektor na ito ng ekonomiya sa mga susunod pang mga taon.
Ang proyektong ito na pang-agrikultura ay nabuo sa pakikipagtulungan ng Japan Agriculture Exchange Council o JAEC na nanguna sa isang malawakang promotional campaign at marketing sa ngalan ng mga magsasaka ng Benguet. Kaugnay nito, nagturo rin ang mga namamahala at kasapi ng JICA ng makabagong pamamaran na tinaguriang Mokusaku technology or Japanese charcoal para lalo pang mapaigting ang mga farm-produced commodities sa ating modernong panahon at pamumuhay.
Ayon sa Philippines’ Senior representative ng JICA na si Kunihiro Nakasone, “Agriculture has an important share in the Philippine economy, in terms of GDP, and jobs generation. We hope that the farmers, and local government units (LGUs) in Benguet will continue to sustain the gains from the project not just to benefit the rural economy of Benguet, but also the country’s overall economy.”
Agriculture’s Contribution to the Philippines
15% ng kabuuang GDP ng Pilipinas ay nagmumula sa agrikultura. Gayun din, ito ay nakapagtala ng 12 milyong trabaho para sa mga Pilipino ayon sa 2013 statistical data na ginawa ng Philippine Statistics Agency. Samantala, 80% ng vegetable needs ng Pilipinas ay mula mismo sa Benguet Province. Dahil sa matibay na agricultural assistance ng JICA at JAEC, ang mga farmers mula sa iba’t-ibang lugar sa Benguet ay nagawang subukan ang tinatawag na Safe Vegetables from Rich Soil. Technology.
Ang teknolohiyang ito ay lubhang nakatutulong upang di matuyo ang lupa, magsilbing repellent herbicide ng mga pananim at fungicide formula na rin. Sa kabuuan, ang JICA partnership in agriculture ay nagbigay ng pambihirang pagkakataon na makapag-aral ng mga Japanese farming techniques and practices ang mga Filipino farmers sa Japan.
Susunod: Iba Pang Uri ng Agricultural Partnerships ng Japan at Pilipinas.
image source: www.ph.emb-japan.go.jp