Economy

Aichi announces aid program for small businesses

Nag-anunsyo ang Aichi Prefecture ng bagong financial support plan para sa maliliit at katamtamang negosyo na nakaranas ng pagbaba ng benta dahil sa pagtaas ng presyo, mga taripa ng Amerika, at epekto ng kaguluhan sa Middle East.

Sa ilalim ng panukala, sasagutin ng pamahalaang prefectural ang kalahati ng credit guarantee fees para sa mga kumpanyang kukuha ng pautang mula sa mga institusyong pinansyal. Para sa hakbang na ito, naglalayong maglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 5.3 bilyong yen sa pamamagitan ng debt bonds.

Kasama rin sa supplemental budget ang pondo upang mabawasan ang gastusin sa pagkain. Humigit-kumulang 260 milyong yen ang ilalaan para sa school meals sa mga prefectural school, nursery, at pribadong elementary school, na may subsidy na 100 yen bawat tao kada pagkain.

Bukod dito, mga 30 milyong yen naman ang ilalaan para sa mga children’s cafeterias, kung saan makakatanggap ang bawat pasilidad ng suporta mula 40,000 hanggang 70,000 yen. Sa pamamagitan ng mga bagong hakbang, tataas ng humigit-kumulang 3.6 bilyong yen ang supplemental budget ng Hunyo, na aabot sa kabuuang halos 9.6 bilyong yen. Nakatakdang bumoto ang prefectural assembly tungkol dito sa Hulyo 2.

Source: CBC TV

To Top