General

AICHI: Medical Translation System

Naglabas ng panibagong support service para sa mga gaijins ang Aichi province. May mga tsuyaku o translator at interpreters ang ilan sa mga klinika at hospital.( Tignan ang listahan kung anong pangalan ng mga hospital at klinika merong interpreter)

List of Hospitals and clinics(??)
List of Hospitals and clinics (??)
 

Ang bagong serbisyo ay nahahati sa 3:
1. Translation service para sa mga papeles at dokumento.
2. Translation service sa pamamagitan ng telepono.
Ang medikal staff ay maaaring tumawag sa translator o interpreter magmula ala-9 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi Lunes-Biyernes.(Ang english service ay available sa loob ng 24 oras mula Lunes hanggang Linggo)
3. Kung personal na kailangan ang interpreter para sa pansariling lakad saan mang lugar, maaaring makipagusap at magpareserve muna ilang araw bago ang takdang petsa upang makumpirma kung available sa araw at oras na nais ninyo ang mga translator o interpreters.

Maaring kumunsolta muna ng mas maaga para malaman kung avaiable ang mga interpreters para sa petsang kailangan ninyo. Ang presyo ng kanilang serbisyo ay depende sa klinika, hospital o kung anumang serbisyo ang nais ninyong ipagawa.

See main page and access other languages日本語(総合ページ)

??Panphlet:
??Panphlet:
 

AICHI: Medical Translation System
To Top