General

Airport Immigration maghihigpit na simula bukas

Dahil sa patuloy na pagkalat ng new coronavirus sa bansa, ang pagpasok mula China at Korea ay hihigpitan na simula bukas March 9,2020. Dahil dito, Marami ang nagmadaling magsipaguwian dahil sa takot na magkaaberya sa airport nang dahil sa bagong policy na ito. Ang mga papasok ng Japan mula China at Korea sa susunod na araw ay kinakailangang maghintay sa isang nakatakdang lugar for quarantine purposes ng 2 linggo. Dahil dito ay maraming nagmadaling magtungo sa Haneda Airport habang may pagkakataon pa bago maabutan ng quarantine na ipapatupad na simula bukas.

Ayon sa isang panayam sa isang returnee galing South Korea: ” Bumalik ako agad kasi baka mahold ako sa quarantine, may mga anak ako at mahirap kung 2 linggo ako magtatagal sa quarantine.”

Para sa mga flights mula china at Sout korea, ang arrival destination ay nililimitahan lang sa Narita Airport at Kansai Airport sa susunod na araw.

Samantala, ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, hindi pa napagdedesisyunan kung kasali ba dito sa mandatory quarantine  pati ang ibang manggagaling sa ibang bansa o kaya naman ay kung anung gagawin sa mga kinakailangang maghintay dito sa Japan na walang matutuluyan. Dagdag pa dito, And Japan Airlines ay mag-ooperate ng special flight nila mula Narita hanggang Seoul magmula october 10 nitong taon na ito.

Source: ANN News

To Top