Accident

AKSIDENTE SA ADVENTURE WORLD

Marami ang nakaka-alam at narinig na ang lugar na Wakayama Adventure World amusement park / zoo.

Ang leisure spacebay ngayon ay nagdadalamhati. Noong ika-12, bago magbukas ang park, 2 employee ang nagpapaligo ng elepante katulad ng nakasanayan kada umaga noong nangyari ang aksidente.
Ang elepante na nakatira sa park simula pa noong opening noong 1978, ay tinapon nya ang worker gamit ang ilong at inipit nya sa pillars ng fence. Pagkatapos ng isang oras ay idineklarang patay na ang 10 taong beteranong worker ng zoo.

Ayon sa director ng Utsunomiya Zoo, ang mga hayopay pwedeng mairita dahil sa mga iba’t-ibang ingay na nakakagulat sakanila o di kaya sa ibang pang mga bagay.

Ang director ng Wakayama Zoo, kung saan nangyari ay nagsabi na walang magiging parusa para sa elepante ngunit gagawa sila mga pagbabago at mga hakbang upang maiwasan ang ganitong aksidente at mapaayos ang interaksyon ng mga hayop at mga bisita.

Source: ANN News

https://www.youtube.com/watch?v=WBRPqTDNeqo

To Top