Dahil sa pagkakamaling ito, nadelay ang pagdating ng isang ambulansya sa hospital na dapat ay pagdadalahan sana ng pasyente.
Noong ika-12 ng Agosto, isang lalaki na nasa edad 80’s sa Daisen City, Akita prefecture ang lulan ng isang ambulansya na nasa emergency state. Ngunit, pagkarating umano sa hospital ay wala raw umanong natanggap na tawag ang nasabing hospital, kinumpira naman ng staff na wala ngang tawag na natanggap mula sa nasabing hospital, bagkus ay sa Akita City pala naireport ang nasabing insidente kung kaya’t dali-daling tinahak ng ambulansya ang daan papunta sa nasabing hospital. Nasa 44 minuto na ang delay mula ng maireport nila ang kanilang pagdating. Ngunit sa kasamaang palad ay binawian din ng buhay ang nasabing pasyente pagkalipas ng 15 oras simula ng maihatid nila ito. Hindi binanggit sa report kung ano ang cause of death ng pasyente ngunit ayon naman sa fire department headquarters, “Walang kinalaman ang delay na naganap sa pagkamatay ng pasyente”, pahayag ng doctor in charge nito.
https://www.youtube.com/watch?v=dsr7ka_xVXs
Source: ANN News