News

ANG BLACK SWAN AY PINAGHIHINALAANG MAY AVIAN INFLUENZA SA NAGOYA 

Ang black swan na pinalaki sa Zoo at Higashiyama Botanical Garden sa Nagoya ay natagpuang patay ng mga zoo official.

Nagsagawa ng isang simpleng pagsusuri sa naturang flu at ang resulta ay naging positibo. Lininis ng mabuti at na disinfect ang lugar, at ang isang bahagi ng zoo ay isinara sa mga bisita. Sa Zoo na ito ay may 61 species ng mga ibon at tinatanyang may 240 na mga ibon. Batay sa examinasyon posibleng ipasara ang zoo ng pansamantala para maiwasan na magkahawaan. 

 

Source: ANN News

To Top