Ang Japan ay gumawa na naman ng di malilimutang tatak sa kasaysayan ukol sa tinatawag na Japanese surrogacy na siyang magbibigay ng karapatan sa mga opisyal ng pamahalaan ng China lalo na sa kanilang mga kamag-anak upang maging Japanese citizen.
How Surrogacy in Japan Works
Paano ito nangyayari? Halimbawa, isang mag-asawa ay kapwa nagbigay na kanilang sperm at fertilized egg. Ito ay inilagay sa isang Japanese woman. Pagkalipas ng karaniwang syam na buwan ng pagbubuntis, ang kanilang eksperimento ay magbubunga ng isang sanggol na isinilang sa pamamagitan ng surrogacy. Ang bata ay maituturing na Japanese citizen by birth ngunit sya ay technically, anak pa rin ng kanyang mga natural na Chinese parents.
Ang ganitong kalakaran sa Japan ay may kasamang Japanese yakuza gang member bilang isang broker.
The Connection of Corruption and Surrogacy
Ayon sa ulat, ang pamamaraang ito ay magdudulot ng positibong epekto sa mga Chinese government officials na may kaso at bahid ng korapsyon ang pangalan. Matapos ang nasabing proseso, malayang tatawagin ang sistemang ito bilang pinakamabisang paraan ng defection system.
Gayun din, tanging deportation lang ang pinakamagaan na parusang ipapataw dahil sa grounds ng anonymity. Sinasabi rin na ang Japanese surrogacy records ay lalong tumaas mula ng ito ay mauso sa China. Noon, ito ay ginagamit ng mga mamamayan sa China upang bigyan ng agarang solusyon ang suliranin ng infertility. Ngunit ang ganitong klase ng serbisyo ay nagkakahalaga ng 15 milyon yen. Gayun pa man, marami pa ring mga mayayaman na Chinese ang interesado sa ganitong uri ng pagkakaroon ng anak at pag-iwas sa kaso ng korapsyon.
Ang mga batang ipinanganak sa pamamagitan ng surrogacy ay ginagamit ng kanilang mga Chinese parents upang itago ang mga tagong yaman, lalo na ng mga Chinese government officials. Ito ay dahilan sa ang Japan ay may kakulangan sa batas ukol sa Japanese surrogacy kung kayat malayang iniuugnay ang paggamit nito bilang safe havens upang maitago ang mga nakaw na yaman.
Image from scmp.com