General

ANG KINAGIGILIWAN NA MGA CUTE NA KOALAS

Ang mga Koalas ay unti-unti ng nawawala sa mga zoo sa Japan. Maraming zoos na ang nasasawing makapagpadami ng koalas dahil sa napaka mahal ng maintainance nito. Ayon sa director ng Tennouji Zoo sa Osaka, na magsasara din ang exhibition pagkatapos ng huling koala na may annual budget na nagkakahalaga ng 60 million yen (mga nasa 530,000 dollars). Ayon sa mga opisyal ng zoo, ang koala ay palaging nasusuka, kumakain naman sila ng dahon ng eucalyptus pero hindi lang sila kumakain ng isang uri ng dahon. Ang zoo ay nagi-invest ng mga nasa 30 types ng dahon eucalyptus. Ang puno ng Eucalyptus ay hindi native ng Japan, kaya’t kailangan i-cultivate ito ng mga specialist na farmers at napakahina nito sa kahit anong natural disaster. Sa loob ng Japan, ang eucalyptus ay inaalagaan sa isang consignment sa 5 lokasyon, at lahat ng expenses ay binabayaran ng zoo.

Source: ANN News

https://www.youtube.com/watch?v=gvZOXCBcalM

To Top