Ang makasasysayang Anime Japan 2016 ay ang dating Tokyo International Anime Fair. Ito ay isang annual trade show na kadalasang ginagawa sa Odaiba Big Sight Convention Center. Ang tanyag na lugar na ito ay ang pinakasentro ng pinakamakulay na Japanese anime. Kadalasan, ito’y dinadaluhan ng mga laksa laksang Hapones at mga dayuhang may kaugnayan sa film and TV productions na mahilig sa kakaibang sining na ito, na kinagigiliwan ng bata at matanda.
Bakit ba napakasikat at glamoroso ng mga ganitog pagtatanghal? Ating alamin sa mga susunod na detalye.
Ano ang Anime Japan?
Ang Anime Japan 2016 ay isang makabuluhang Exhibition Fair na may mga iba’t ibang booths na mula sa mga kumpanya sa Japan, tulad ng Toel Animation, Tezuka Productions, Bandai Namco at iba pang mga banyagang paggawaan sa iba’t-ibang sulok ng daigdig. Samantala, ang mga malalaking booths na matatagpuan sa Big Sight ay may sariling teatro at entablado na kung saan ay maaaring magkaroon ng live shows at ang mga special appearances tulad ng mga manga at anime creators.
Sa pagsasabuhay ng mga ganitong uri ng palabas, mayroong mga character actors na ibinubuhos ang kanilang aking galing at talino upang mapaganda ang bawat performance. Dahil dito, ang mga batikang tauhan sa likod nito ay gumagamit ng voice over upang lubos na maunawaan ng mga manonood ang bawat palabas.
May tatlong magagandang exhibition spaces ang Anime Japan. Ang tatlong magkakaibang entablado ay para sa iba’t ibang uri ng konsyerto at stage events. Ngunit alam ba ninyo na upang maging maayos at organisado ang mga ito, ang pagpasok ng mga manonood dito ay idinadaan sa pamamagitan ng isang loterya?
Bukod sa mga cultural shows, mayroon ring iba’t- ibang atraksiyon na pinamumunuan ng mga events’ organizers. Ilan sa mga ito ay ang mga teatro na nagpapakita ng mga landmark animes, mga entablado na may mga munting konsiyerto, panayam at iba pa.
Halina’t makisaya sa Anime Japan 2016, sa darating na Marso 26 at 27, 2016 at muling saksihan ang mga nakakatuwang animes upang tayo ay maging bata muli kahit sandali man lang.
Related Posts:
Mga Mahahalagang Bagay ukol sa Anime Japan 2016