Living in Japan

ANG PAGLIHIS NG NANKAI TORAFU AY IKINABAHALA NG MGA ESPESYALISTA 

Anim na taon ng nakalipas noong Great Earthquake na yumanig sa eastern Japan (“Higashi Nihon Daishinsai”).

Ang susunod na nakakabahalang lindol ay ang “Nankai Torafu”, ito ay isang deep moat sa kailaliman ng ocean floor. Noong nakaraang taon, nadiskubre na ang paglihis nito ay lumalawak sa malalaking lugar ng region, at maaaring maka-trigger ito ng lindol kahit ano mang oras. Nag bigay ng warning ang mga eksperto: “hindi ito magiging isang surpresa na dadating, dahil ito ay mangyayari kahit ano mang oras”.

Sa loob ng siyam na taon, ang Japanese Coast Guard ay nag-install ng 15 points ng “Nankai Torafu”, machines para masukat ang galaw ng seabed. Noong nakaraang taon sa probinsya ng Miyazaki, sa may bandang coast ng Hyuga, may na-record na galaw na 2 centimeters. Sa Kochi Province naman ay na-record ang pinaka-malaking movement of depression na nasa 5.5 centimeters.

Ang professor ng University of Tokyo ay nagsabi na ang lindol ay malaki ang posibilidad na mangyari kapag ang movements ay nasa 5 centimeters kada taon dahil ang limit ng plate ay matatag na naka-fixed sa lugar at hindi nito makakayanan ang deformations.

Source: ANN News

To Top