Ngayong Autumn season, madaming mga Japanese ang nage-enjoy ng “ginnan” seeds ng Ginkgo Biloba tree.
Ang buto na ito na may matigas na shell na ang laman ay palaging ginagamit sa mga pagkaing Japanese katulad ng “chawanmushi”.
Subalit, ang sobrang pagkain nito ay maaring maging sanhi ng mga sintomas katulad ng pagsususka, pagkahilo, at seizures. Sa maliliit na bata, ang maliit na amount ay maaari din magsanhi ng pagkahilo.
Source: ANN News