Culture

Anime Japan 2016

anime japan 2016

Ang bansang Japan ay tanyag sa buong daigdig sa larangan ng metikulosong paglikha ng mga kartoons  na sadyang popular di lamang sa mga bata kundi  pati na rin sa mga matatanda. Dahil dito, sila ay may taunang celebration ng mga anime enthusiasts na dating tinatawag na Tokyo International Anime Fair. Ngayong taon, ito ay tinatawag na Anime Japan 2016.

 

Ito ay isang kakaibang pagdiriwang na kung saan ang mga iba’t ibang uri ng tao ay binibigyan ng pambihirang pagkakataon  upang kanilang malaman ang mga masasaya at kapakipakinabang  na impormasyon ukol  sa makulay na sining na ito.  Sa kabuuan, may tatlong adhikain ang glamorosong kaganapang ito. Ilan dito ay ang mga sumusunod:

  • Anu-ano ang mga bagay-bagay na nagbubunsod sa isang tao upang lubos na maibigan ang nasabing produkto ng isang malikhaing pag-iisip?
  • Anu-ano ang mga kadahilanan kung bakit nais ng iba na magkaroon ng kakaibang karanasan sa pagtatrabaho sa ganitong larangan ng pagpapakita ng talino ng Hapon at ibang mga tao?
  • Gaano kahalaga ang mga ganitong uri ng pagtatanghal upang maging masaya ang ating buhay?

Sa kasaysayan ng pangyayaring ito, ang  nasabing sining ay nagmula lamang sa isang parirala. Ngunit ito ay yumabong sa paglipas ng  maraming panahon. Dalawang buwan mula ngayon, ipagdiriwang na ang ikatlong Anime Japan 2016.

 

Lugar

Ito ay gaganapin sa Tokyo Big Sight (3-11-1 Ariake, Koto-ku, Tokyo, JAPAN 135-0063)
East Exhibition Halls 1-6 [Main Area]
Reception Hall (1F Conference Tower) [Business Area]

 

Petsa at Oras

March 25 (Fri)・26(Sat), 2016
10:00 a.m. ~ 5:00 p.m.
※Last Admission 16:30

 

Mga Namumuno

Ang mga pangunahing namuno sa pagpaplano nito ay ang Samahan ng Anime Japan.

 

Impormasyon ukol sa mga Tiket

Ang pagbebenta ng mga tiket ay nagsimula na noong December 18, 2015.

 

Presyo

Ang mga presyo ng mga tiket ay magkakaiba ayon sa kategorya ng manonood.

  • Mas nakakatanda kaysa Dyunyor hayskul 1,600 yen (kasama na ang tax)
  • Mas mababa ang gulang kaysa mga mag-aaral sa elementarya (Walang Bayad)
  • Mas nakatatanda kaysa Dyunor na mga mag-aaral ng Dyunor Haysku l(2000 yen)

 

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website na ito:

http://www.anime-japan.jp/en

 

Related Posts:

Ang Makulay na Kasaysayan ng Anime Japan 2016

Mga Mahahalagang Bagay ukol sa Anime Japan 2016 

 

To Top