General

Ano ang Bipolar Disorder

Ano ang Bipolar Disorder?

Ang Bipolar Disorder ay karamdamang pang-kaisipan (mental disorder) kung saan ang tao ay nakakaranas ng elevated mood (hyper ang mood, sobra-sobra ang energy, parang hindi napapagod).

Kaakibat nito ang iba pang karaniwang sintomas na: (1) saksakan ng yabang(pakiramdam nila kaya nila lahat gawin at tama sila lagi), (2) di nila kailangan matulog (kilos ng kilos kahit gabi – naglalaba, nagliligpit, nagpaparty), (3) napakadaldal at hindi mo masingitan sa pagsasalita, (4) madaling ma-distract (kapag may nakita silang bago o may ideyang bago, lilipat na sila ng pagkwento tungkol doon), (5) ang mga dati nilang ginagawa nagiging “OA” (katulad ng halimbawa sa no. 2, dati na silang naglilinis pero ngayon naglilinis na sila buong araw walang tigil), (6) di mapakali, at (7) nagiging mapusok (risky behavior) – halimbawa: naguubos ng pera sa casino o shopping, nakikipagkita sa mga ka-chat para makipagseks.  Ang mga sintomas na ito ay nararanasan halos araw-araw sa loob ng isang linggo.

Ang mga taong nakakaranas ng sintomas na ito ay madalas na nahihinto sa karaniwan nilang gawain. Halimbawa, sa trabaho, eskwela, o napapansin ng mga pamilya at kaibigan na hindi na nila nagagampanan ang kanilang mga karaniwang responsibilidad. Isa ito sa mga nag uudyok sa mga kaibigan at kamag-anak na patignan nila ang pasyente.

Ang mga taong may elevated mood at ang mga kaakibat nitong sintomas ay tinatawag na: Manic, o nakakaranas ng – Mania.

Ang mga taong may Bipolar ay pwede rin makaranas ng kabaligtaran ng elevated mood–  depression (lungkot na hindi lumilipas). (Basahin: Ano ang Depression?) Pwede rin mag palit palit o mag-“alternate” ang elevated mood at depression.

Nagagamot ba ng Bipolar Disorder?

Sa pamamagitan ng mga gamot (mood stabilizers), maaring maibalik sila sa mga dati nilang gawain. Ang mga taong may Bipolar ay fully functional (parang walang kahit anong mental health issues) kung sila ay nasa remission – “ok sila” (Basahin: Ano ang Relapse at Remission). Hindi katulad ng karamdaman katulad ng Schizophrenia kung saan may naiiwang lamat sa tao ang sakit. Kaya importante sa mga may Bipolar na mapanatili nila na hindi sila sumpungin ng kanilang karamdaman. Madalas, kailangan uminom ng pasyente ng mood stabilizers ng tuloy-tuloy upang hindi sumpungin.

Nakakahawa ba ang Bipolar Disorder?

Hindi.

Namamana ba ang Bipolar Disorder?

Mataas ang potensyal ng mga taong may kamag-anak sa first degree (magulang, kapatid, anak) na magkaroon din ng Bipolar Disorder. Hindi awtomatikong magkakaroon ng Bipolar Disorder ang mga may kamag-anak na Bipolar ngunit mataas ang kanilang tsansa (chance) na magkaroon nito lalo kung may magyaring mga stressful sa kanila.

Ano ang kaibahan ng Bipolar I (one) at Bipolar II (two)?

Ang pinakamadaling kaibahan nila ay mas malala ang sintomas ng mga taong may Bipolar I. Kung ang tao ay lubos na nakakapanakit ng kapwa o sarili na makabubuting i-admit sila sa mental facility, awtomatikong Bipolar I sila. Ang mood ng mga taong may Bipolar II ay tinatawag na hypomanic – hypo nangangahulugang mas mababa

Source: Pinoy Mental Health

Ano ang Bipolar Disorder
To Top