“Exercise doesn’t get in a way of life, it adds to the quality of it.”
“It’s easier to wake up early and work out, than looking up in a mirror and not liking hat you see.”
Ang cardio exercise ay nakakapagpataas ng heart rate. Kinkailangang maigalaw at ma-ehersisyo ang muscles sa katawan upang mapanatili ang hugis at lakas nito. Ang pagkilos sa araw-araw at mag-eehersisyo ay nakakapagpatibay at nakakapagpalakas ng mga muscles upang mapanatiling malusog at mabisa ang pangangatawan. Ang puso ay isang uri ng muscle. Kung i-eehersisyo ito ay lalakas din at titibay ito. Ang matibay na cardio-vascular system ay nakakabuti sa paghahatid ng oxygen ng capillaries sa ating mga muscles. Ito ay tumutunaw ng taba sa parehong pagkilos at hindi pagkilos ng katawan.
Ang mga halimbawa ng cardio workouts ay ang paglalakad, pagtakbo, pag-bibike, swimming at aerobics. Ang mga workout na iyong gagawin ay nararapat na mapawisan ang katawan. 20 minutes at tatlong beses sa isang lingo ang minimum na cardio workout. Bababa ang iyong timbang sapagkat tinutunaw nito ang mga sobrang calories sa katawan.
ANG MGA BENEPISYO NG CARDIOWORK OUT SA KATAWAN AT ISIP NG TAO:
- Pagbabawas ng timbang
- Matibay na puso at baga
- Pagtibay ng buto
- Pagpapababa ng stress
- Maayos na pagtulog
- Pagbaba ng tsansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso
- Panlabans a mood swings
Ilan lamang ito sa benepisyong maaaring makuha sap ag eehersisyo ng cardio vascular system. Kung gagawin ito ng madalas at tuloy tuloy, mas magiging mabuti ang pakiramdam mo sa iyong sarili, tataas ang confidence level ng isang indibidwal at lalakas ang pangangatawan.