General

Ano ang Panganib at Masamang Epekto na Naidudulot ng Energy Drinks?

Marami sa mga kabataan at regular na manginginom ng energy drinks ang walang kamalayan sa maaaring masamang maidulot ng mga ito. Nararapat na maunawan ang label warnings at content ng bawat inumin na ito. Ang dapat alamin ng mga mamimili ay hindi rin kumpleto ang mga nakalistang ingredients at ayon sa mga manunuri, sobra pa sa required serving ag mga nilalaman na ingredients nito kumpara sa nararapat lamang.

 

Ayon sa The Center of Food Safety Adverse Event Reporting System (CAERS), umabot sa mahigit 140 na reports ang natanggap nila na nagdulot ng masamang epekto mula sa 5 Hour Energy, Monster, at Rockstar energy drink sa humigit na sampung taon na nauwi sa hospitalization at pagkamatay.

 

Ang mga energy drinks ay mababa ang caffeine content kumpara sa Starbucks coffee, ito ay puno ng sugar content na nagpapatamis sa inumin at mas madaling inumin ng mga kabataan. Kaya naman, marami sa mga 18 at pababang edad ang nakaranas ng mapanganib na epekto ng iresponsableng pagkonsumo ng energy drinks.

 

ANO NGA BA ANG MAAARING PANGANIB NA NAIDUDULT NG ENERGY DRINKS?

 

Alamin: Hindi maaaring masabi ang eksaktong ligtas na dose dahil ito ay dumidepende sa tolerance ng isang tao.

 

  1. Cardiac arrest: sa mga mayroong diperesya sa puso, ay maaaring makaranas ng cardiac arrest matapos uminom ng ilang energy drinks. Ayon sap ag-aaral, kadalasan rito ay ang mga teenagers. Nirecommend na iwasan ang pag inom ng 250 ml na energy drink sa isang araw at iwasan ang pag inom nito bago ang paglalaro ng sports at exercise. Sa pag-aaral ngayong 2016, 18-40 years old na umiinom ng energy drinks ang nagkaroon ng pagtaas ng QTc interval, ito ay ang tanda ng abnormal na heart rhythm.

 

  1. Headaches and Migraines
  2. Increased Anxiety
  3. Insomnia
  4. Type 2 Diabetes
  5. Drug Interaction
  6. Addiction
  7. Risky behavior
  8. Jitters and Nervousness
  9. Vomiting
  10. Allergic Reactions
  11. High Blood Pressure
  12. Niacin Overdose
  13. Stress Hormone Release

 

KEY POINTS:

 

  • Ang mga energy drinks, shots at iba pang nasabing energy products ay naglalaman ng mataas na amount ng caffeine at sari-saring ingredients.
  • Ang pag konsumo ng mataas na amount ng caffeine ay maaaring madulot ng seryosong cardiovascular events, seizures at death.
  • Ang sobrang konsumpsyon ng energy drinks ay maaring mag resulta sa sobrang B vitamins, tulad ng niacin o pyridozine at maaaring makaapekto sa atay at ugat.
  • Ang konsumo ng caffeine sa mga kabataan ay maaaring mauwi sa problema sa utak, kakulangan sa tulog at adiksyon.
  • Ang mga energy drinks na hinahaluan ng alcohol ay maaaring magdulot ng panganib sa mga kabataan at adults.

-Current Opinions in pediatrics

Warnings mula sa World Health Organization (WHO)

Ang World Health organization (WHO) ay nagpadala na ng warning letter patungkol sa panganib na naidudulot ng energy drinks sa mga kabataan at 68% na ang kumokonsumo nito. Upang mabawasan ang panganib na ito ay inutos na isagawa ang mga ito sa mga government agencies:

  • Limitadong caffeine sa lahat ng produkto.
  • Mahigpit na ilagay sa label ang mga requirements at maging responsable sa pagbabawal sa mga kabataan.
  • responsableng marketing ng produkto para sa industriya.
  • Turuan ang health care workers ng tamang dose ng ingredients para sa energy drinks.
  • Screening para sa mga pasyente na nagtamo ng masamang epekto mula sa sobrang konsumpsyon ng energy drinks.
  • Bigyan ng kaalaman ang publiko sa masamang epeko at panganib ng paghahalo ng energy drinks sa mga alcoholic beverages.
  • Patuloy na isagawa ang pag-aaral sa mga maaring idulot ng energy drinks sa mga kabataan.

 

PAANO ITO MAIIWASAN?

 

“Too much of anything can potentially be dangerous.” Iwasan ang sobrang pagkonsumo ng energy drinks at maging responsable sa maaaring idulot nito. Ang mga consumer ay dapat magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa sapat na caffeine na nilalaman ng isang inumin o produkto. Ang mga magulang ay nararapat na turuan ang mga anak at kabataan sa pag-inom ng mga produktong ito.

 

 

Source: WHO, Caffeine Information Staff

 

To Top