Culture

Ano ang Tunay na Kahulugan ng Diwa ang Pasko?

Ano ang Tunay na Kahulugan ng Diwa ang Pasko?

Ano ang tunay na kahulugan ng diwa ang pasko? Ating alamin sa pamamagitan ng akdang ito. Ngunit bago ang lahat, narito muna ang ilang mahahalagang konsepto at kaganapan tuwing pasko na nararapat mong malaman.

Pascua de Natividad at Noche Buena

Ito ay salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay pasko o kung tawagin noon ay Pista ng Natibidad. Ito ay ating ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre. Ito ang pinaka-espesyal na araw na ipinagdiriwang sa halos lahat ng sulok ng mundo.  Lahat tayo ay masaya sa araw ng kapaskuhan sapagkat ito ay mahalagang araw nung si Jesus ay isinilang sa sabsaban upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan ayon sa propesiya.

Sa ngayon, ating ipinagdiriwang ang kapaskuhan sa mga nakaugaliang pamamaraan. Ang iba ay magkakaroon ng reunion kung saan lahat ng magkakamag-anak ay magsalo-salo. Magluluto ng mga espesyal na pagkain kagaya ng puto bumbong at bibingka. Hindi rin mawawala  ang mga tradisyonal na pagkain, kasama na dito ang hamon, keso de bola at chocolate. Ang mga ito ay niluluto maging tuwing Noche Buena.

Misa de Gallo o Simbang Gabi

Ito ay tradisyun nating mga Pinoy na magsisimba ng madaling  araw sa loob ng ng siyam na araw simula ika-16 ng Disyembre hanggang sa pagdating  ng kapaskuhan. Sinasabing kapag nakumpleto natin ang siyam na araw ng pagsisimba ay matutupad ang ating mga kahilingan. Sang ayon ba kau dito mga kaibigan? Nagmimisa de gallo pa ba ang ilan sa atin?

Panunuluyan

Sa iba’t- ibang lugar sa Pilipinas, ito ginagawa kung saan isinasadula ang  paghahanap ni Jose at Maria ng matutuluyan upang isilang ang kanilang anak na si Hesus sa araw ng kapaskuhan. Ito ay tinawag na  Panunuluyan, Pananawagan at Pananapatan. Ginagawa ito tuwing bisperas ng Pasko, Disyembre 24, kung saan ang mga naitalagang magsasadula ay nagpupunta sa mga bahay at umaawit ng tradisyunal na awitin upang magising ang may-ari ng bahay at tanungin kung maaari silang manuluyan. Hindi sila papapasukin ng mga may-ari ng bahay at sa halip ay magtutuloy sila sa simbahan kung saan nakahanda ang sabsaban upang maging pansamantala nilang tuluyan.  Ang kapanganakan ni Hesus ay ipinagdiriwang kasabay ng Misa de Gallo.

Ang Tunay na Kahuluhan ng Pasko

Sa kabila ng pagsunod sa mga tradisyon, misan nakakalimutan ng ilan sa atin ang tunay na kahulugan ng pasko. Ang iba ay abala sa paghahanda ng iba’t ibang pagkain at ang iba naman ay sa mga regalo. Ngunit di natin dapat kalimutan ang tunay na diwa ng pasko. Ito ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan, at higit sa lahat pagpapasalamat sa ating mahal na panginoon para sa lahat ng biyaya na pinagkaloob niya sa atin sa buong taon. Wag nating  kalimutan magpasalamat sa ating Diyos na siyang dahilan kung bakit tayo’y nandito at nagdiriwang ng kapaskuhan, nawa’y lagi tayong mgpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap sa araw-araw. Hindi lang dapat sa araw ng pasko ang pagmamahalan, datapwat isapuso natin na dapat tayo’y palaging magbigayan at isantabi ang hindi pagkaka-unawaan. Ang pasko ay para din sa mga bata na laging masaya sapagkat sila ay natutuwa sa mga regalo mula sa kanilang mga ninong at ninang.

Ikaw handa ka na ba para sa pagdating ng Pasko? Nawa’y wag mong kalimutan ang tunay na diwa nito.

To Top